tama ba naman?!!!!

ANO NA NAMANG KABULASTUGAN ANG GINAGAWA NITONG GOBYERNO? TAMA BA NAMANG PAYAGAN ANG PAGTAAS NG PAMASAHE?

Ang hinihingi ng mga drayber rolbak sa presyo ng langis hindi dagdag na pamasahe dahil pati sila maapektuhan rin nito. Mas marami ang wala nang kakayahan magbayad ng dagdag na P2.50 pataas sa P5.50 pamasahe sa dyip at P2.00- 5:00 sa mga bus. Sa per succeeding kilometer 25 centavos ang dagdag.

Kung hindi ba naman sobrang kagaguhan nitong LTFRB, parang masayang-masaya pa at nakangiting aso si Elena Bautista habang ina-announce ang dagdag na pamasahe.

Sino ngayon ang masaya? Syempre ang mga oil companies, nakaligtas na naman sila. Salamat kay Gloria at sa lahat ng kaletsehang ginagawa niya sa ating lahat.

Leave a Reply